My Life Blog
Biyernes, Enero 2, 2015
ANG PAGSALUBONG SA AKIN NG BAGONG TAON
January 2, 2015
4:50 PM
Ang ganda ng salubong sa aking ng bagong taon! Kung kelan pumasok ang bagong taon ay tsaka pa namaga itong kaliwang paa ko. HIndi tuloy ako nakapasok kahapon sa trabaho. Pero kungsabagay, at least napahinga ako sa pagtanggap ng mga tawag mula sa mga tanga at bobo naming mga customer na Amerikano at tsaka ilang araw din akong walang tulog dahil sa dami ng mga raket ng Pasko at Bagong Taon pati na rin ang pagha-handle ng mga prorgam sa church tulad ng CHurch Anniversary, Christmas parties, caroling, Year end service , Non-stop praise and worship at yung preparation namin para sa unang Sunday ng Bagong Taon sa church. Lord, salamay ng apala sa bago naming gitarista sa church na isang tatay at isang bagong prospect na worship leader na isang nanay... mga bagong tao sa Music MInistry sa Bagong Taon... WOW!... Praise God.
Nagpunta kami ngayon ni mama sa Medical City sa may Walter Mart North Edsa para magpa-konsulta. Hindi naman namin kailangan gumastos dahil libre naman ang consultation fee at mga test. Maganda talaga ang nagagawa ng may health care insurance - cover lahat ng mga physical tests and consulatations. Habang naghihintay kami ng doctor na susuri sa akin dahil 1:30 pa kasi ang schedule namin, nanood muna kami ng movie sa TV sa may nurses station... at ang palabas... ang isa sa mga paborito kong movie... "STARTING OVER AGAIN"... nakakaloka! kahit ulit-ulitin mo... andun pa rin ung epekto ng movie... lalo na ung confrontation ni TOni at Piolo na isa sa mga hindi ko malilumutan sa movie. Hindi ko nga lang natapos ang movie dahil tapos na yung Xray at ECG ko. Kelangan ko bumalik bukas para sa iba pang tests.
Ngayong taon na ito marami akong gustong ipagpasalamat sa Lord sa Year 2014:
- ang paglipat ng church sa mas magandang lokasyon
- ang pagpasko ng mga bagong musikero sa church na kapalit nina Ten at Rod Lopez ( ang magkapatid na Myhko at Maynard at ang baguhang kabataang bahista na si Alexis)
- ang pagiging active ng Couples MInistry sa church
- ang pagkakakilala namin ni Teacher Joy pero naudlot ang akala kong bagong pag-ibig.
- ang tagumpay ng SJS Foundation Day Concert na pinakamaayos na kumpara sa mga nagdaang concert ng school.
- ang paglampas ko sa pagiging PIP dahil sa ganda ng mga stats ko ng September at October.
- ang tumagal sa trabaho ng dalawang taon kumpara sa mga nagdaan kong trabaho (December 19, 2014)
- ang aking mga pamangkin (Trisha Mae, Ada at Butchoy)
- ang aking pamilya at church family
- ang aking mga ka-trabaho at boss sa call center
Marami rin akong nais gawin para sa Year 2015 na ipapanalangin ko sa Lord na matupad:
- ang gumawa ng sarii kong blog at pagiging active sa social media (FB, Twitter, at Instagram)
- ang makagawa ng Youtube video ng aking sariling kanta
- ang maka-discover pa ng mga bagong talento para sa Panginoon at sa Music Ministry
- ang makapag-raise up ng mga bagong worship leaders at musikero sa church
- ang makakita ng kapalit ko na hahalili sa akin bilang direcktor ng YYVCK Music Ministry
- ang pumayat at magkaroon ng six-pack abs at magandang katawan
- ang magkaron ng laptop computer, tablet, smartphone at pocket wifi
- ang magkaroon ng internet cafe, sariling events management at travel ticket business
- ang magkapag-travel sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas (sa 2016 na ung sa ibang bansa pero kung loloobin ng Diyos, bakit hinde?!?)
- ang makapagpalinis at makapagpapalit ng ngipin (complete dental procedures)
- ang makapagpa-facial at makapagpalinis ng mukha at makapagpaputi
- ang makapaglibot sa iba't ibang churches ar Christian events para mag-lead ng praise and worship (at kung bibigyan ng pagkakataon ng Lord - ang maging isa sa mga anointed speakers about worship at love life)
- maging mayaman at mabigyan ang pamilya ng magandang buhay
- at syempre: TO FINALLY HAVE A LOVELIFE! (Sa babae syempre) - nawa makita ko na ang babaeng itinadhana sa akin ni Lord ngayong taon na ito!)
Hindi ko man magawa ito lahat eh sana halosda lahat magawa ko!
Welcome Year 2015 and hope and pray to God that this will be a good year for me.
Bye Bloggers!
VINCE
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)
